May 18, 2024

Boyfriend material daw… JILLIAN WARD, IMPOSIBLENG MAINLOVE KAY KEN CHAN

MUKHANG super close na close sina Jillian Ward at Ken Chan, napapagkamalan tuloy na may something sa dalawa. Ang dating nga ni Ken, ay isang material boyfriend kay Jillian Ward.

“Mabait po siya, pero hindi pa talaga ako nagpapaligaw. Masaya po akong kasama siya, kasi totoong tao po ang dating niya sa akin. Boyfriend material nga po ang dating niya, hindi lang isang artista ang dating niya at sobrang matalino siya at masipag. Isa pa siyang businessman at super faithful din siya sa Diyos.

“Super close talaga kami. Nag-breakfast kami at nag-dinner din sa taping ng ‘Abot Kamay Na Pangarap,’ lagi ko rin siyang kausap, tanungan ko ng advice at lagi kaming nagtutulungan sa eksena namin sa taping. Pero hanggang doon lang ang lahat, friends ba kasi nga wala pa sa isip ko iyang tawag ng pag-ibig,” pagtatapos pa ni Jillian.