TALAGANG ginalingan ni Ms. Glydel Mercado ang role niya bilang nanay ni Abdul Rahman sa ‘Magpakailanman, Abdul Rahman Story.’ Damang-dama ng mga televiewers ang mga atake ni Glydel, kaya naman sa mga confrontation scene nila ni Abdul Rahman ay lutang at akmang-akma ang kanyang pagbibitiw ng mga linya niya.
“Nadala kasi ako sa bigat ng inabot nilang mag-ina sa UAE. Kahit ako damang-dama ko iyong hirap ng struggles nilang mag-ina, kaya hayun nadala ako sa mga eksena. Feeling ko nga ako si Joyettes, iyong totoong nanay, ha! Grabe ang hirap na dinanas nila, kaya dinaan ko na lang ang sarili ko na kunyari ako nga si Joyettes.
“Laki nga ng aking pasasalamat dahil sa akin nila ipinagkatiwala iyong role ni Joyettes, sa ‘My Mother and I.’ Si Abdul Rahman naman kahit baguhan pa lang makikitaan mo na siya ng pursigidong matuto at humusay sa pag-arte sa kanyang showbiz career. Pasalamat din ako sa mga tumutok at nanood, dahil hanggang ngyon ay andiyan pa rin ang tiwala ninyo sa isang Glydel Mercado,” pagtatapos pa ni Ms. Mercado
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas