December 24, 2024

Kapalaluang nagresulta sa kamangmangan at kasalanan ( Da Pulis Istori)

Magandang araw sa inyo, mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Nakalulunos ang nangyari sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac na binaril ng isang pulis. Pulis na naman! Walastik.

Hindi po tayo galit sa kapulisan. Kundi, doon sa mga salbahe at nagpapasama ng kanilang imahe lamang.

Bakit idadamay ng iba ang matitino sa mga salbahe ay hambog na mga alagad ng batas? Unfair di po ba? Gayunman, kinokondena natin ang ginawa ng pulis na bumaril sa mag-ina.

Ewan kong anong nakain ng pulis na tawagin nating “Mr Porky”. Saksakan ng kahambugan. Ginamit ang tungkulin, tsapa at baril sa paninindak at kapalaluan.

Kitang-kita sa video, parehong may mali. Pero, nasobrahan sa kapalaluan ang ‘butcheger’  (chubby) na pulis. Na nagresulta ang kanyang kamangmangan.

Sa halip na magprotekta ng buhay, siya pa ang pumatay. Ang isang pulis ay dapat mahinahon. Mababa ang loob at marunong magsaalang-alang ng sitwasyon.

Maliwanag, nakapatay siya, at nalabag niya ang ika-anim na utos na ‘huwag kang papatay’. At ang pagpatay ay isang malaking kasalanan na karapat-dapat sa kamatayan.

Hindi na naisip ng pulis ang pagkatakot sa Diyos! Yan ang wala sa iba kaya nakagagawa ng kasalanan at kamalian.

Sila’y lingkod-bayan at hindi mga panginoon ( sa laman). Isipin sana na mainit ang madla sa mga kapulisan ngayon. Lalo na ang ilang grupo at matataas na indibidwal.

Inuulit ko, hindi natin binibira ang kabuuan ng kapulisan. Sa halip, tinatwagan natin ng pansin— ang mga salbahe na magpakatino.

Ang mga matitino ay lalo pang magpakatino. Dahil sa iisang pagkakamali at kapalaluan, sira ang buhay mo— at ang buhay ng pamilya mo.

Hangad natin ang katarungan sa naulila ng mga napaslang ng pulis. Ang loko-lokong pulis, pagbayaran ang kanyang kapalaluan at malaking kasalanan.