January 24, 2025

Kapag nagkaroon ng ‘Supernova’, araw, magiging 2 na

Ayon sa mga siyentipiko, maaari tayong magkaroon ng ikalawang araw o sun, ayon kay Dr. Brad Carter, isang senior Lecturer of Physics sa University of Southern Queensland.

Aniya, maaaring ganun nga ang magiging senaryo sa ating sistemang solar.

Ang ‘Betelgeuse’, na isa sa mga maningning na bituin kapag gabi ay nawawalan ng panimbang, na maaaring sumambulat dahil sa paglabas ng fuel mula rito.

Maaaring sumabog ang naturang bituin na tinatawag na ‘supernova’. Kapag naganap na ito, maghihintay lamang tayo ng ilang linggo at makikita na ang ika-2 araw. Sa pagkakaroon ng second sun, maaaring din a tayo makaranas ng gabi.

Kapag nangyari rin ang supernova, tatamaan ang mundo ng harmless particles. Aniya, babaha sa iba’t-ibang dako ng mundo at hindi masyado umano itong grabe.

Makikita rin aniya umano ang supernova sa kalawakan o night sky at 99 porsiyento ng enerhiya mula rito ang makawawala.

Iginiit pa ng ibang astronomer na kapag nagkaroon na ng second sun, una aniya itong masisilayan sa bansang Greenland na ang sinag ay kulay ginto at pilak.