April 30, 2024

Dating NBA player na si Baron Davis, dinukot ng mga alien sa Las Vegas

Isiniwalat noon ng dating NBA player na si Baron Davis na dinukot siya ng mga alien. Aniya, naka-engkwentro niya ito habang nagmamaneho papuntang Los Angeles.

“I was, um, on my way from Vegas here to L.A, I’m a little tired and s— and I see this light and I think it’s a big-a– truck.

Then next thing you know, dude, like, I was in this f—— steel thing,” ani Davis sa panayam nina ‘ The Champs Podcast’ hosts Neal Brennan at Moshe Kasher.

“”They were poking me on my nose and they were, like, looking me in my eyes,”. “They had my hands like, tied up and the next thing you know, I was f—— in Montebello, dude, burning rubber on the way back to L.A. It was like four o’clock in the morning.”

Natapos daw ang encounter noong nagtungo siya sa isang burger house.

Aniya, ang mga naka-engkwentro niyang aliens ay kagaya ng sa ‘Space Jam’ movie noong 1996.

Si Davis ay UCLA standout at naging 2-time NBA All-Star. Huli siyang naglaro sa New York Knicks noong 2012.Gayunman, pinabulaanan ni Davis ang kanyang pahayag na nagbibiro lang siya.

‘That alien thing is a joke,” sabi niya sa social media.