April 29, 2024

Kanino kayo susuporta? BANGGAAN NG 2 MALAKING NOONTIME SHOWS TVJ ‘EAT BULAGA’ VS ‘IT’S SHOWTIME’

BAGAMA’T dati nang naglalaban ang ‘Eat Bulaga’ at ang ‘It’s Showtime,’ na parehong galing sa GMA-7. Mukhang bongga ngayon ang dalawang noontime shows, dahil mahigpitan ang labanan nila sa ngayon.

“Mukhang aarangkada sa ratings ang ‘It’s Showtime,’ ni Vice Ganda dahil naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa show ni Vice kumpara sa show ng TVJ na ‘Eat Bulaga.’

“Sa survey kasi mas mukhang lamang si Vice, kumpara sa TVJ. Pero huwag maging kampante ang grupo ng ‘It’s Showtime,’ dahil hindi sila nakakasiguro kapag umaatake ang TVJ ‘Eat Bulaga,’” saad pa ni Miss. Bubuwit na aking source.