April 29, 2024

GLYDEL AT TONTON, SWERTE SA 2 ANAK NA SINA ANEEZA AT ANEEKA GUTIERREZ

IBANG klaseng magulang itong sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, dahil na palaki nilang mabait at mabuting tao sina Aneeza, 18, at Aneeka, 10.

Dahil hinubog nila ang dalawang anak sa mabuting asal, kaya naman inaani na nila ngayon ang pagiging mga mabuting anak ng mga ito.

“Hindi naman kami nahirapan sa pagpapalaki ng 2 naming anak, dahil binusog namin sila ni Tonton Gutierrez ng tamang pagmamahal.

“Si Aneeza, pinasok niya ang showbiz. Pero hindi siya pokus sa work na iyon, mas pinahalagahan niya ang kanyang pag-aaral.

“Hindi nga niya ikinahihiya iyong mabababang work sa Singapore, makatulong lang siya sa mga gastusin sa kanyang pag-aaral na kaya naman naming mag-asawa,” pahayag pa ni Glydel Mercado.

“Ako iyong tipo ng ama na chill lang sa aking mga anak, pwede rin akong strict, makulit, mabait. Lahat pwede sa akin, basta sa tama lang.

“Hindi rin ako maraming rules, at hindi rin naman ako uptight sa kanila. Kasi napalaki namin silang mababait na mga anak. About lovelife, bata pa sila in right time pwede pero not this time. Enjoy muna nila ang pagiging young nila,” pagtatapos pa ni Tonton Gutierrez.