May 11, 2024

Kai Sotto, Maglalaro sa Gilas Pilipinas 8.0 sa FIBA Asia Cup third window

Kaugnay sa nalalapit na third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, may move rito si Kai Sotto.

Balak niyang maging bahagi ng roster ng Gilas 8.0 na sasabak sa torneo. Katunayan, nakatakda siyang bumalik ng bansa.Nasa U.S sa ngayon ang 7’3 cager. Kung saan ay nagsasanay sa Team Ignite na sasalang sa NBA G league season.

I’m heading home soon,” sambit ni Sotto sa kanyang social media account.

 “Sobrang excited ako sa binigay na opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window.”

Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa aking pangarap na makapaglaro para sa bayan, at sa tamang panahon, sa NBA,” aniya.

Ang third window ng FIBA ay idaraos sa Clark, Pampanga.