Pumirma si Kai Sotto sa Adelaide 36ers ng National Basketball League. Ito ay para sa kanyang dream na makatuntong sa NBA.
Ang latest sa 7-foot-3 cager ay inanunsiyo ng kanyang camp na East West Private at ng 36ers. Sa pamamagitan nito, mapapasabak si Sotto sa high-level competition bago pumasok sa 2022 NBA Draft.
Sa ngayon, nasa Miami, Florida ang 18-anyos na si Kai at doon nagsasanay. Ayon sa Adelaide, babandera si Sotto sa Australia ngayong taon para sa preparation sa 2021-22 NBL season.
Na magsisimula sa Oktubre, depende sa sitwasyon.
“We are delighted to welcome Kai, both to the Club and the City of Adelaide,” sabi ni 36ers chairman Grant Kelley.
“Attracting a player of Kai’s potential from Asia, and more recently the United States, to Adelaide will only enhance the Club’s reputation for identifying and developing elite basketball talent.”
Ang 36ers ay kasalukuang nasa seventh out o nine team sa ongoing 2020-21 NBL season. May record ito na 10-14 sa liga.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!