May 18, 2024

Kahit mga lola na sila… KASIKATAN NI NORA AUNOR, ‘DI MAHABOL AT MAPANTAYAN NI VILMA SANTOS

NANATILING anino at pangalawa si Vilma Santos kay Nora Aunor. Hanggang ngayon namamayagpag pa rin ang isang Nora Aunor sa mundo ng showbiz, at kahit anong gawin ni Vilma ay hindi niya ito maungusan manlang o mapantayan.

“Panong mapapantayan sa mukha pa lang alam mo nang finilter ang mukha ni Vilma Santos, hindi niya kayang humarap sa mga tao ng hindi nakaayos. Kabaliktaran naman ni Nora Aunor, kahit nagsuklay lang at walang make-up basta maayos lang ng konti ang pananamit asahan mong haharap na iyan sa tao.

“Pag dating sa awards, taob si Vilma dshil ang dalawang pinakamatinding awards ay wala si Vilma, ito iyong Best Performance Award na ibinigay kay Nora hindi na hindi na nasundan pa. At ang pinakamataas na award sa mundo ng showbiz, ang nakakakuha lamang ay ang tumatayong kultura ng sining pag dating sa pagarte, pagkanta, paghohost sa radio at telebisyon na hawak ngayon ni Nora. Siya rin ang nagpauso ng Box-Office Awards sa showbiz, at siya rin ang may pinakamaraming Box-Office awards na hindi rin mapantayan ni Vilma kahit kailan.

“Ang mainam kay Nora Aunor, talagang pinaghirapan niya ang awards na kanyang natatanggap, at hindi siya kailanman nasangkot sa pagbili ng awards.

“At ang pinakamantindi, kahit nagtridor sa kanya ang mga artistang natulungan niya ay madali niya itong pinatatawad at pinakikisamahang muli.

“Iyong mga panlilibak, pang-aapi ay ngiti na lang ang kanyang sukli at hindi niya ito ginagantihan. Kaya nananatili siyang mahal nang mga taong tunay na nakakakilala sa kanya,” malumanay na opinyon ng aking source.