May 17, 2024

DINGDONG DANTES, BILANG ISA SA BOARD OF TRUSTEES NG MOWELFUND O MOVIES WORKERS WELFARE FONDATION, INC.

 NOONG una raw curious lang si Dingdong Dantes tungkol sa nasabing Foundation. Hindi niya sukat akalain na darating iyong time na, isa pala siya sa magiging bahagi ng nasabing foundation.

“Hindi naman ako nahirapang tanggapin ang imbitasyon nila, dahil maganda ang kanilang layunin. At isang daan pa nga iyon para naman makatulong ako sa mga taong nasa likod ng movie at TV industry. Pasalamat na rin ako, dahil naging malaking parte o bahagi ng aking buhay ang pelikula at telebisyon.

“Ito na iyong paraan para ako naman ang magbalik sa industriya nang mga blessing na ibinigay sa akin, at bilang patunay ay tinanggap ko ang inbitasyon na maging isa ako bilang Board of Trustees ng Mowelfund o Movie Workers Welfare Foundation, Inc.” pagtatapos pa ni Dingdong.