December 24, 2024

Kahit hindi nabigyan ng franchise renewal PVL, MANANATILI PA RIN SA ABS-CBN

Bagama’t nabigong ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa 70-11 resulta ng botohan sa Kamara noong nakaraang Biyernes; inihayag ng Sports Vision, organizer ng Premier Volleyball League— na magiging committed pa rin sila sa nabanggit na istasyon.

 “We have an agreement with ABS-CBN, and until we hear from them that they can’t cover us, we’ll keep our commitment to them,” pahayag ni SV president  Palou noong maging guest sa The CPT Crossover Podcast, ng SMART Sports na sumuportado naman ng  LGR.

Noong 2016, nalipat ang pagpapalabas ng V-League sa ABS-CBN Sports + Action pagkalipas ng ilang taon ng pagsasahimpapawid (tape delay) sa GMA News TV.

Gayunman, ang sisimulan sanang 2020 season ng PVL nasuspende dahil sa Covid-19 pandemic. Ayon kay Palou, hindi na aniya isyu kung isasa-ere ng ABS-CBN ang mga laro sa PVL sa pamamagitan ng online o block time sa ibang istasyon.

 “Right now, we are still committed to ABS-CBN,” aniya.