BONGGA, nakarating sa akin na pilit na pinu-push ni Tirso Cruz III si Vilma Santos para gawaran ng National Artist Award para maging sampal ito sa Original Artist Award na si Superstar Nora Aunor.
Kaya daw minaniobra niya ang Film Development Council of the Philippines [FDCP] na bigyan ng award si Vilma Santos, upang makuha ng actress ang NAA ng NCCA. Kaya kahit malaking pera ang gastusin nila basta ang mahalaga ay magkaroon ng katuparan na parangalan si Vilma, iyong ibang mga artista palamuti na lang sila para maging makatotohanan ang nasabing awards night ng FDCP.
Hindi lang naman siya ang sangkot, maging sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023 sa best actress category, sa Chair pa lang ng jury ay kita na isang director ng Vilma movies ang involve. Dapat walang past association, para walang masilip ang mga tao at para patas ang laban.
Maging sa jury, merong taga FDCP na pinupush nila na si Vilma Santos na makuha ang National Artist Award kaya ang ending nawalan ng chance manalo sina Sharon Cuneta, Alessandra de Rossi at Marian Rivera sa kategoryang best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023.
Bias sila sa manok nila, halatang inimpluwensiyahan nila at inayos ang lahat para sa actress. Ganyan ang kalakaran kapag napasok na ito ng mga politiko. Sana hindi totoo itong balitang nakarating sa akin, kwento pa ng aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA