April 28, 2024

JUSUF NURKIC NG TRAILBLAZERS, INIHAGIS ANG CELLPHONE NG PACERS FAN

Dala ng pagkadismaya, gumawa si Jusuf Nurkic ng eksena sa isang fan. Ito ay dahil sa pagmasaker ng Indiana Pacers sa Portland Trailblazers, 129-98.


Nilapitan nito ang fan habang may naririnig na tawa. Sa pagkainis ni Nurkic, kinuha nito at tinapon ang cellphone ng lalaking fan. Nakunan ng video ang ginawang ito ng Portland player.


Naging viral ang video sa social media. Ang naturang fan ay may sinasabing kung ano sa Blazers center. Hindi ito nagustuhan ni Nurkic kaya nagawa niya ang di kanais-nais na bagay.
Hindi nakapaglaro ang Blazers center dahil sa foot injury.