May 2, 2024

Justin Brownlee, Pelita Jaya umabante sa 2nd round ng BCL Asia Qualifiers

UMABANTE ang Pelita Jaya sa 2nd round ng Basketball Champions League (BCL) Asia Qualifiers.

Noong Huwebes ay nanalo ang Pelita Jaya laban sa Ulaanbaatar Xac Broncos 89-93 sa pagpapatuloy ng  Basketball Champions League (BCL) Asia Qualifiers sa UG Arena sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Pinanguhan ni Justin Brownlee ang atake ng Pelita Jaya nang tumakida siya ng 26 puntos sa huling sampung minuto ng laro.

“It feels great,” saad ng 35-anyos na naturalized Filipino star.  “It was a tough game for us. Mongolia had a tough home crowd. We’re just excited to get to the second round and get a W.”

Gaganapin ang second round ng qualifiers mula April 23 hanggang April 26 sa Jakarta.

“We’ll keep working hard and hopefully we’ll have more success in the future,” ani Brownlee. RON TOLENTINO