
Nanguna si June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen bilang kandidato sa Best Player of the Conference. Leading ang nasabing player sa statistical race sa pagtatapos ng Philippine Cup elimination round. Puntirya rin ng SMB center ang ikasiyam na BPC plum.
Nagtala ang sixth-time PBA MVP ng league average na 43.2 statistical points (SPs). Kasunod ang teammate na si CJ Perez na may 39.5 SPs. Si reigning PBA MVP Scottie Thompson naman ng Brgy. Ginebra ang nasa third. Mayroon itong naitalang 37.9 SPs.
Pang-apat naman si Japeth Aguilar na may 34.2 SPs. Sinundan ito ni Jio Jalalon ng Magnolia (34.1 SPs).
More Stories
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!
Grassroot hanggang Olympics… PSC AT PAI MAGKAAGAPAY