April 28, 2024

JULIUS RANDLE, BUMIDA SA PAGPITIK NG NEW YORK KNICKS SA LAKERS

Bumida si Julius Randle sa pagpapahiya sa kanyang dating team na Los Angeles Lakers. Kinaldag ng New York Knicks (28-27) ang Lakers (33-21) sa iskor na 111-96.

Naglista si Randle ng 34 points, 10 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Elfrid Payton ng 20 points, 3 boards at 2 assists.

Nanguna naman si Dennis Schroder sa Lakers sa pagbuslo ng 21 points, 6 assists at 3 boards.

Sa iba pang laro, nagtala si Stephen Curry ng 53 points sa pagtaga ng Golden State Warriors sa Denver Nuggets, 116-107. Nag-ambag naman si Draymound Green ng 18 points, 7 boards at 4 steals.

Bumandera naman si Joel Embiid sa pagtibag ng Philadelphia 76ers ang Dallas Mavericks, 113-95. Bumuslo si Embiid ng 36 points.

Gumawa naman si Luka Doncic ng 32 points, 4 boards at 4 assists para sa Dallas.