May 15, 2024

Julia Barreto nagsampa ng kasong cybercrime laban kay Jay Sonza

Dinemanda ni Julia Barretto at kanyang inang si Marjorie Barretto sa NBI Cybercrime Division ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza dahil sa post niya na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson.

Partikular na inireklamo ng dalaga ang sinulat ni Sonza na nabuntis siya ni Anderson sa kasagsagan ng pandemic.

Sa kanyang complaint sa NBI, nais ng aktres na ipatawag ng NBI si Sonza dahil sa walang katotohanan at iresponsableng post ni Sonza sa social media.

” Marami na rin akong pinagdaanan, andami ko na ring pinalampas lalo na sa social media,nbinastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. I think, i just want to show people na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,” pahayag ng aktres

Iginiit ng aktres na nagdulot ng pangamba, anxiety, sakit ng kalooban ang naturang post ni Sonza sa kanya at sa buo nilang pamilya.

Nanindigan si Julia na kailangang mapanagot si Sonza sa kanyang walang ingat at walang batayang pahayag sa socmed.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family…

” don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts must be held accountable for their actions,  so that they think twice before claiming things as fact,” ang pahayag ng aktres.