May 14, 2024

BABAE PATAY MATAPOS MAGULUNGAN NG KILLER TRUCK

PATAY ang isang babae matapos masagasaan at pumailalim sa isang truck sa kahabaan ng Osmeña Highway corner San Andres Bukid, Maynila. Napag-alamang aksidenteng tumatawid ang biktima nang ito ay mahagip ng rumaragasang truck na kanyang ikinasawi. (Kuha ni JHUNE MABANAG)