November 23, 2024

Jordan Clarkson, sasali sa Gilas anim na linggo bago ang 2023 Fiba World Cup

Nagcommit si NBA player Jordan Clarkson na sasali sa Gilas Pilipinas sa loob ng 6 linggo. Ito’y bago magsimula ang 2023 Fiba Basketball World Cup. Kung saan, kapwa magiging host countries ang Pilipinas, Japan at Indonesia.

Ayn kay Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios, inaasahang magti-train ang Gilas sa loob ng 2 linggo. Pagkatapos nito, magsisimula na ang Fiba World. Ayon rin sa SBP spokesperson, walang problema kahit ganun. Bagamat medyo huli nang sasalang, mataas naman aniya ang basketball IQ ni Clarkson.

 Siya lang ang puwedeng ma-exempt sa ganun. Walang ibang personality na may ‘K’ na six weeks to go, sasali,” ani Barrios.

“‘Yung mga locals natin, assuming siya ang ating naturalized for the World Cup, will be together for two months by the time Jordan joins us. But that should not be a problem,”aniya sa PSA Forum.

Kinokonsidera rin ng Gilas sina DJ Wilson at Noah Vonleh bilang candidates sa naturalization. Subalit, natigbak matapos nilang lumagda sa NBA teams. Ang Basketball World Cup ay idaraos sa Aug. 25 hanggang Sept. 10, 2023.