February 24, 2024

Creamline Cool Smashers, abot-kamay na ang finals matapos pigtasin ang Cignal

Pinigtas ng Creamline Cool Smashers ang linya ng Cignal HD Spikers, 25-17, 25-15, 25-22. Kaya, nanatiling walang batik ang record nito sa semis ng 2022 PVL Invitational Conference Pinangunahan niya Jema Galanza, Tots Carlos at Alyssa Valdez ang Cool Smashers sa panalo.

Dahilan upang maitarak ang 3-0 (win-loss) sa 5-team playoff stage. Amoy na rin ng team ang pagrekta sa finals.

PVL Photo

Bumira si Carlos ng 21 points off 18 attacks, 2 blocks, 1 ace at 11 digs. Naglitsta naman si Jia Morado ng 26 excellent sets. Nag-ambag naman si Galanza ng 11 points.

Natuto na kami sa lesson namin noong natalo kami sa Cignal, na kailangan maging maganda ‘yung composure namin hanggang sa 25 points. Siguro ‘yun ang naging key,” ani head coach Sherwin Meneses.