May 16, 2024

‘JOKER’ UMATAKE SA JAPAN, 17 SUGATAN


TOKYO – Isang 24-anyos na lalaki ang nag-costume ng sikat na kontrabidang “Joker” sa Tokyo train line noong Linggo ng gabi, na naghasik ng lagim at inatake ang mga pasahero patungo sa sentro ng siyudad para sa Halloween gatherings.

Ayon sa ulat 17 pasahero ang nasugatan.

Malubha at nasa kritikal ang isang lalaki na pinaniniwalaang nasa 60s ang edad matapos saksakin ng suspek.

Ayon sa saksi, nagsaboy pa ito ng likido at saka sinindihan, kung saan ilang upuan sa tren ang nasunog.

May dala rin siyang mahabang patalim at pinagsasaksak ang ilang pasahero.

Sa bintana nagsitalunan ang mga pasahero at ilan dito ay nasugatan.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek.