April 28, 2024

JOEY JORDISON: SLIPKNOT FOUNDING DRUMMER PUMANAW NA, 46

Pumanaw na ang founding drummer ng heavy metal band na Slipknot na si Joey Jordison sa edad 46.

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Jordison.

Bukod sa pagiging drummer ay co-writer din siya kung saan karamihan sa mga kanilang kanta ay sinulat nito.

Sumikat ang American Heavymetal noong 1995 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Psychosocial”, “Nero Forte” at maraming iba pa.