May 8, 2024

JIMUEL PACQUIAO, WAGI SA KANYANG BOXING DEBUT SA U.S

Wagi via decision sa kanyang boxing debut sa U.S. si Jimuel Pacquiao, 21 sa House of Boxing Gym. Nasilat nito si Mexican-American Andres Rosales sa isang amateur bout.


May basbas naman ng kanyang ama at presidential aspirant ang pagsabak ni Jimuel sa boxing. Katunayan, binati pa siya ng tatay niya sa kanyang pagkapanalo.


Congratulations to my son Jimuel Pacquiao on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you,” ani Sen. Pacquiao sa Instagram.


Si Jimuel ay nakakuha ng boxing license at nasa guidance ng trainer na si Marvin Somodio. Nagsasanay din siya at nakatatanggap ng tips kay welterweight sensation Saul Alvarez.