May 18, 2024

JESSY MENDIOLA, BRE-BREYKIN SI LUIS MANZANO KAPAG SUMABAK SA MUAY THAI

Ayaw pala ng aktres na si Jessy Mendiola na sumabak sa Muay Thai ang BF na si Luis Manzano. Katunayan, di rin payag ang ina nito na si Congresswoman Vilma Santos. Balak kasi noon ni Lucky na lumaban sa nasabing isport.


Ayon kay Ate Vi, pisikalan at masakit daw ang gayung sport. Ayaw niyang masaktan ang kanyang anak. Biro pa ng aktres, huwag daw siyang kilalaning nanay ni Lucky kapag nangyari iyon.


Binitbit pa nito ang GF na si Jessy para susugan ang kanyang pahayag.
“Uh, Jes, remember sinabi mo rin, kapag sumali siya sa Muay Thai na competition, ano’ng sabi mo?”tanong nito kay Jessy.


“Hihiwalayan ko siya,” sagot ng aktres na pabiro pero may laman. Kaya, di na natuloy si Luis sa Muay Thai.