MAGKASAMA sina Jeric Gonzales at Sherly Cruz sa teleserye nilang ‘Magkaagaw,’ under GMA-7 kaya hindi mamatay-matay na iniuugnay silang dalawa ng kanilang mga fans na sila’y may relasyon.
Marami ang nalungkot ng pansamantalang natigil ang kanilang taping ng dahil sa enforced quarantine, pero hindi iyon naging hadlang dahil nakakapagusap naman sila sa Instagram.
Noong August 7, nagpost si Sheryl nang sweet birthday greeting kay Jeric. Naging daan iyon para sila’y naging tampulan nang tukso sa isa’t isa. Kapansin-pandin din ang closeness nilang dalawa na ang ebidensya ay ang video clip na ipinost ng actress.
Pero ayon sa actor, “trabaho lang ang lahat, mabait si Sheryl at very professional at kaya naman niyang ihandle ang lahat. Masaya kaming pareho dahil kahit iniintriga kami ay patuloy nilang sinusuportahan ang aming show.”
Malinaw na trabaho lang talaga ang sweetness at closeness nilang dalawa. Tiyak na ikalulungkot ng kanilang mga fans, kung hindi totoong sila na nga.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA