May 17, 2024

DARNA PROJECT, MAY DALANG MALAS SA MGA ARTISTANG GAGANAP

NAGDESISYON na ang ABS-CBN na ishelve na lang ang ‘Darna Project,’ bukod sa ubod nang laki ang budget nito na aabot sa 140 milyon ay hindi na raw nila ito kakayanin dahil shutdown na nga ang kanilang network at malaking lugi na nga ang kanilang inabot.

Puna nang marami, simula ng ayawan ni Angel Locsin ang ‘Darna’ na naging dahilan ng kanyang pagkakasakit. Nasundan iyon ni Liza Soberano, tinanggihan din niya ang ‘Darna’ dahil na operahan naman siya sa kanyang daliri.

Ang pinakahuling minalas sa ‘Darna Project,’ ay itong si Jane De Leon. Dahil inabutan naman ito ng pandemic at shutdown ng Kapamilya Network na tuluyan nang ipinatigil dahil kung itutuloy pa nila ay aabot na sa 250 milyon ang kanilang gagastusin.

Nasayang ang paghihirap ni Jane De Leon, dahil hirap at pagod ang dinanas niya sa training. Ang huling balita namin ay nagpapa-release na ito sa Kapamilya Network dahil sa nangyari.