May 17, 2024

MICHAEL PACQUIAO NILAMPASO SI JASON DHAKAL PAGDATING SA KANILANG SINGING TALENT

HINDI raw na-impress ang R&B artist na si Jason Dhakal, nang mag-guest itong si Michael Pacquiao para kantahin sa Wish 107.5 ang kanyang awiting ‘Hate’ na umani ng milyon views sa YouTube.

Hindi nagustuhan ng mga netizens, ang banat nitong si Jason, nagpakita ito nang malaking selos o inggit sa kalagayan ng kanilang mga career. Kung titignan, matagumpay na rapper itong si Michael Pacquiao, kumpara kay Jason Dhakal na R&B artist na hanggang ngayon ay parang trying hard pa rin ang dating niya.

Parehong nagsumikap sina Jason at Michael, pero mas lumutang si Michael bilang mahusay na rapper kaya nakilala siya at sumikat. Hinangaan din siya ng mga Icon sa music industry, iyan ang hindi nakuha ni Jason Dhakal. At hindi niya matanggap na naungusan siya ni Michael, kaya para sa kanya hindi niya nagustuhan ang talent na taglay ni Michael Pacquiao.

Kaya ang dating naman ni Jason Dhakal sa mga netizens ay, umeepal lang ito at sumakay sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Michael. Ano naman daw kung hindi niya gusto ang pagrarap ni Michael? Siya ba, gusto ng mga Pilipino style ng pagkanta niya bilang R&B artist, na hanggang ngayon ay trying hard ang dating niya?