May 18, 2024

JAYJAY YAMBAO TINIYAK NA HINDI MASASAYANG ANG BUWIS NG MGA TAGA-MALABON

TINIYAK ng tumataktakbong vice mayor ng Malabon na si Jayjay Gutierrez Yambao na hindi masasayang ang bawat sentimong buwis na ibinabahagi ng mamamayan ng naturang lungsod sakaling manalo ito sa darating na eleksyon.

“Kaya sa Malabon naman tayo, hindi natin sasayangin ang bawat sentimong inyong binabahagi sa mga buwis para sa ating Lungsod,” ani ni Yambao.

Matatandaan na si Yambao ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Malaki ang naging kaugnayan ni Yambao sa Malasakit Centers at sa Social Amelioration Program noong panahon ng pandemya gayundin sa mga livelihood project sa mga kanayunan at mga lungsod.

Nagpapasalamat siya sa pondong pambansa at sa mga masisigasig na tax-payers dahil nakagawa siya ng proyektong para sa lahat at makatutulong sa ating bansa.

Si Yambao ay nakilala dahil sa patuloy nitong pagmamamahal at pagmamalasakit sa mga mahihirap nating kababayan.