May 4, 2024

JAPETH AGUILAR AT MISIS, HUMIHILING NG PRAYERS SA MASELAN NITONG PAGBUBUNTIS

Masayang ibinalita ni Japeth Aguilar ng Brgy. Ginebra Gin Kings ang pagdadalang-tao ng kanyang misis. Aniya, blessing sa kanila ng beauty wifey na si Cassy Naidas ang pagbubuntis nito.


Some miracles take a little time… We are thrilled to be a small family of three,” ani Cassy sa Instagram. Ikinasal ang dalawa noong Oktubre 2019.


Gayunman, inihayag ni Cassy ang kanyang maselang kalagayan sa pagbubuntis.Kasi, nakaapekto ito sa kanyang kalusugan. Kaya, humihingi siya ng panalangin sa fans.


Asking for your prayers through this journey. I have some conditions that make this pregnancy high risk. Despite taking many medications and treatments, prayers are what we need most,” aniya.