Hindi na lang career at kanta ang nasa puso ni James Reid ngayon—kundi ang maging ama.
Sa isang tell-all interview kay Karen Davila, inamin ni James na pangarap na niyang magka-anak at iyon na raw ang top priority niya ngayon.
“Gusto ko talaga maging tatay. At gusto kong maging magaling dito,” ani James.
Ayon sa aktor-singer, malaki ang naging epekto ng relasyon niya kay Issa Pressman sa bagong pananaw niya sa buhay.
“’Yong relasyon namin ni Issa, siya ‘yung naglabas ng side na ‘yon sa akin,” pagbubunyag ni James.
“She gives me a reason to want to be my best.”
Hindi rin naiwasang mapag-usapan ang past relationship nila ni Nadine Lustre, na minsang tinaguriang JaDine: the nation’s sweetheart couple.
“It was something special,” amin ni James.
“Pero maraming toxic culture sa paligid. Mental stress ‘yon para sa aming dalawa.”
Sa kabila ng lahat, wala raw silang alitan.
“Civil kami. Wala naman akong problema,” sabi niya.
“Kung may masasabi ako kay Nadine ngayon, ‘I wish her all the best. She seems very happy.’”
Sa ngayon, mantra na raw ni James ang maging “healthy, wealthy, and wise” — hindi lang sa pera, kundi sa relasyon at pagkatao.
“Health means living fully, wealth is meaningful connections, and wisdom is learning from my past,” ani James. Mukhang from popstar to papa na nga ang target ngayon ni James Reid — at kung si Issa Pressman ang nanay, aba’y abangan na lang natin ang susunod na kabanata!
