May 10, 2024

JAMES DE LOS SANTOS, NASIPA ANG 20TH AT 21ST GOLD MEDAL

Nasipa ni world’s no.1 eKata James De los Santos ang ika-20 at 21 gold medals ngayong taon. Bumida si De los Santos sa eKarate World Series #3 at Okinawa eTOurnament World Series.

Dinaig ni James sa semifinals ng eKarate World ang pambato ng South Africa. Nakaharap niya naman sa finals ang pambato ng Switzerland.

Nasungkit ni James ang ika-20 gold nang manalo kay Matias Domont Moreno. Gahibla lalang ang panalo niya sa iskor na 24.7-24.6.

Nahablot niya naman ang 21st gold nang talunin ang pambato ng Morocco sa Okinawa eTournamant. Nakatakas siya sa isang close match kay Abdellatif Choukri sa iskor na 25.32-25-28.

Inamin ni James na kapwa nahirapan siya sa dalawang torneo. Ito’y dahil sa nanalo siya sa close matches. Dahil dito, kailangan niya aniyang magsanay pa at maghanda ng labis para sa mga next tourneys.