May 17, 2024

JAKE PAUL, KUMASA SA HAMON NI MIKE TYSON

Tinanggap ni Jake Paul ang alok ni boxing legend Mike ‘Iron’ Tyson na maglaban sila sa boxing ring. Aniya, isa ito sa magiging biggest pay-per-views of all time. Ito ay bilang pagtugon sa muling pagsampa ng 25-anyos na social media star.

Bukod kay Tyson, bukas din siyang makaharap sina ex- UFC champion Anderson Silva at Tommy Fury. Bukas naman si Tyson sa laban kahit na mas matanda siya kay Paul ng 30 taon. Tinuran din ng dating heavyweight boxing champ na tatabo sa kita ang laban nila ni Paul.

He is more profitable that other boxing champions,” ani Tyson. Ang current PPV record ay ang laban nina Mayweather at Pacquiao noong 2015. Kung saan, kumita ito ng 4.6 million buys.

Pakiramdam ng social media star, malalampasan nila ito ni Tyson. Sinabi rin niyang kaya niyang talunin ang ‘ baddest man on planet’.

Mike Tyson like you said on the podcast, if you’re watching this, let’s make the fight happen.

“I’m ready and I think I would win, Mike thinks he would win, so let’s do it,” dagdag nito.