May 4, 2024

JAJA SANTIAGO, PAPALO PARA SA CHERRY TIGGO SA PVL OPEN CONFERENCE

Pagkatapos ng kanyang stint sa Japan V. League, tiyak na papalo si 6-foot-5 middle blocker Jaja Santiago. Ito ay sa target na Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference.

Katunayan, may pinost siya sa social media na poster. Ito’y may mensahe na “Kalma lang ako,”. Nakasuot siya ng uniporme ng Cherry Tiggo Crossovers.

Ang Crossovers ay dating moniker ng Foton Tornadoes sa PSL. Isa ang ito sa guest teams sa PVL.Tiyak na pahihirapan ng Crossovers ang ibang malalakas na team sa PVL. Ito ay dahil sa karanasan ni Jaja sa Japan V. League.

Na kanyang i-aaply sa liga. Marami aniya siyang natutunan doon. Palagay niya, malaking tulong ang paglalaro niya as import.Inaasahan ng fans na malaki ang improvement ng opposite hitter na kanyang ipamamalas sa Open Conference.

Magiging kakampi ni Jaja ang kanyang ate Dindin sa team. Gayundin sina Eya at EJ Laure, Mylene Paat at Jasmine Nabor.