
Handa na si volleybelle Jaja Santiago at ang iba pa niyang kakampi sa national women’s volleyball team. May misyon sila ng team para sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam. Ito ay ang wakasan ang pagre-reyna ng Thailand sa biennial meet.
Ayon sa 6-foot-5 volleybelle, ang mga Thais ang malakas na kalaban sa voleyball. Ito rin ang numero uno nilang karibal sa titulo sa palarong idaraos na sa Mayo 12-23. Aniya, kung magiging maganda ang laro nila, malaki ang pag-asang masilat nila ang Thailand.
“This time I think malaki ang chance natin kasi marami sa Thailand retired na ang mga beterano and nag-compose sila ng mga bata. Tayo magkahalong mga bata at beterano,” aniya.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA