
Hindi umubra si Jaja Santiago at ang Saitama Ageo Medics sa JT Marvelous sa kanilang laban. Pinayuko ng defending champion ang Ageo, 21-25, 21-25 at 17-25 sa 2021-22 V. League Division 1 women’s tournament.
Pumalo si Santiago ng 6 points sa 4 attacks at 2 blocks. Bumida naman si American import Andrea Drews sa panalo ng Marvelous. Gumawa ito ng 19 points sa 17 kills.
Gayundin ng 1 block at service ace. Naglista ito ng 17-of-37 sa kanyang atake na may 45.9 percent. Nag-ambag naman si middle blocker Thatdao Nuekjang ng 12 points sa 7 attacks. Kasama na rin ang 4 blocks at isang ace.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76