
BAGO magkaroon ng contract signing ang buong hosts ng ‘It’s Showtime,’ nagkaroon muna sila ng welcome parade from Timog to GMA 7.
Bali 17 silang mga hosts na pumirma ng kontra nitong nakaraang March 20, 2024 – Wednesday.
“Iyong pirmahan ng kontratang naganap sa pagitan ng GMA-7 executives at ABS-CBN executives, para iyon sa pormal na paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa timeslot na iniwan ng noontime variety show ng TAPE Inc. na , ‘Tahanang Pinakamasaya.’
“Masayang-masaya ang buong hosts ng ‘It’s Showtime,’ sa bonggang pag-welcome sa kanila ng Kapuso TV Network. At hindi nila iyon kaylanman makakalimutan.
“Ang regular airing naman ng ‘It’s Showtime,’ ay sa darating na April 6, 2024 – Saturday. Dito magkakaalaman kung kayang pataubin nila ang noontime variety show ng ‘TVJ – Eat Bulaga.” Mataray na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
MALAKI ANG KAPANGYARIHAN, PERO BAKIT DI GINAMIT NI MARCOS PARA SA WAGE HIKE?
ULAN AT THUNDERSTORMS, ASAHAN SA VISAYAS, BICOL, AT QUEZON — PAGASA
BELGIUM, HANDANG KUMUPKOP KAY DUTERTE KUNG PAPAYAGAN NG ICC NA MAKALAYA PANSAMANTALA