April 29, 2024

ISKO MORENO NAG-ALSA BALUTAN NA

Ilang araw na lamang ay tuluyan nang magpapaalam si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa city hall.

Sinimulan nang hakutin ng outgoing mayor ang kanyang mga gamit sa opisina dahil matatapos na ang kanyang tatlong taong termino.

Sa ipinost sa Facebook na video clip, makikitang tinanggal ng alkalde ang kanyang mga personal na gamit tulad ng artwork at photo frames.

“Kailangan na magligpit ligpit ng mga Hamit,” komento ng alkalde.

Sa isa pang Facebook post, isinulat ng alkalde ang kanyang accomplishment sa 50 words.

“Kung ako’y inyong tatanungin to explain in 50 words on what I have done so far for Manila: In all modesty, we put vaccines in their arms; food on their table; roofs over their heads; money in their pockets; computers on the hands of children; stipend in the wallets of our students, seniors, PWDs, and solo parents; new streets they can walk on, new health facilities they can walk in, new parks they can work out,” saad niya.

“And above all, hope in their hearts!” dagdag niya.