NAPILI ang aktor at former Manila mayor na si Isko Moreno para gampanan ang karakter ni Ninoy Aquino sa upcoming movie na “Martyr or Murderer”.
Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap sa facebook ang litrato habang hawak ang script ng movie.
Sinabi ni darryl sa caption ang mga katagang “Isko Moreno as Ninoy Aquino, the filipino is worth dying… inside”, na tila hango sa kantang “Dying Inside To Hold You” na hilig sayawin ng dating mayor.
Ito ang magiging unang proyekto ni Isko matapos tumakbo sa pagka-pangulo noong 2022 Elections.
Ang “Martyr or Murderer” ay sequel sa kontrobersyal na pelikulang “Maid In Malacañang” at inaasahang ipalalabas ito sa February 2023.
More Stories
KATHRYN BERNARDO AT KOREAN SUPERSTAR LEE SEUNG-GI PAGSASAMAHIN NI CHAVIT SINGSON SA ISANG MOVIE PROJECT
PANGASINAN KAMPEON SA PNVF U18 CHAMPIONSHIPS (Sa tulong ng kanilang coach na Math Teacher)
DANIEL SUPPORT NA LANG NINA RICHARD AT IAN SA TELESERYE