Binigyang linaw ng Bureau of Immigration ang inilabas nilang advisory na kung saan nagbigay ito ng tagubilin sa kanilang mga tauhan sakaling umuwi ng Pilipinas si suspended Representative Arnolfo Teves Jr.
Ang advisory na ito ay kaagad namang ikinaalarma ng suspendidong mambabatas kayat naglabas ito ng pag-aalala online.
Ayon sa Bureau of Immigration, ang kanilang mga tagubilin ay bahagi lamang ng kanilang mga protocols na ipinapatupad sa pagmomonitor sa mga indibidwal na may high profile na kaso.
Ipinaliwanag pa nito na kabilang sa protocol ay ang pakikipag-ugnayan sa mga local law enforcement agencies hinggil sa tamang pagpapatupad ng immigration procedures.
Binigyang linaw rin ng kanilang ahensya na hiniling mismo sa kanila ng Philippine National Police Aviation Security Group na bilisan ang kanilang isinasagawang pagproseso kay Teves sa posibleng pag dating nito sa bansa.
Ito rin ay bahagi din ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng sino mang indibidwal. JERRY S. TAN
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO