Magkakaalaman na sa Game 7 sa pagitan ng Denver Nuggets at Los Angeles Clippers. Kung tutuusin, tapos na sana ang serye para sa Clippers.
Ngunit, nakalusot ang Nuggets sa Game 6, 111-98. Kaya naman, may pagkakataon ang Nuggets na makalusot sa west finals.Malaking hamon sa Clippers ang predicament na dulot ng Nuggets. Kaya, nag-iisip si coach Dov Rivers ng paraan para makalusot.
“What I see the most is our pace offensively,” ani Rivers.
“Some of that is because they’re scoring, but some of that I thought was self-inflicted. And then defensively we have to be better.”
Ayon kay Zach Lowe ng ESPN, mas pressure ang Clippers na manalo. Kasi nga sila ang liyamado sa serye.
“I do buy into the notion that there is more pressure on the Clippers. And not just because the expectations, fair or not, were higher for them this season than they were for Denver,”aniya.
Gayunman, pinaboran ng ilang eksperto ang Clippers na manalo sa serye.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!