Sumablay ang Indonesia na mag-qualify sa 2023 Fiba World Cup kahit co-host pa ito ng Pilipinas at Japan. Bagama’t isa sa magiging country host sa torneo, hindi naman sila malalalaro. Natalo ang Indonesia sa China, 108-58,sa playoffng 2022 FIba Asia Cup sa Jakarta.
. Dahilan upang pagdilimin ang pag-asa ng bansa na makatuntong sa quarterfinal spot. Kabaligtaran ito sa Pilipinas at Japan na assured na ang spot sa nasabing tourney.
Ayon kay Indonesia basketball team coach Milos Pejic, nagsisimula pa lang ang positibong pagbabago sa team.
“Indonesia basketball is at the beginning of the level where we want to be. We want to be much higher. But that starting position is not bad,” saad ng Serbian mentor. Noong 31st SEA Games sa Vietnam, dinaig ng Indonesia ang Pilipinas sa finals at nakopo ang gold medal.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!