April 24, 2024

AJ Raval, nagdadalang-tao na raw courtesy by Aljur Abrenica?

Preggy na raw si AJ Raval ayon sa ilang source sa apat na sulok ng showbiz. Ilan sa nagkumpirma nito ay si Tiya Cristy Fermin. Kinumpirma ng batikang showbiz columnist na nagdadalang-tao na nga si AJ. Ang tanong, sino naman ang tatay?

Sinabi rin ni Tita Cristy na ang aktor na si Aljur Abrenica raw ang ama ng dinadala ng aktres. Gayunman, pinabulaanan naman ng manager ng Vivamax star na buntis ang alaga niya. Ayon kay Jojo Veloso, tsismis lang daw ito at nagsho-shoot daw ng bagong movie si AJ na ‘Sitio Diablo’.

Ayon naman sa mga Marites na netizens, ang picture na flat ang tummy ng aktres ay lumang larawan na.Nanindigan ang mga nakaaaalam na isyu na totoong buntis ang aktres,. Kaya, hindi na natuloy ang bagong Vivamax project nito?

Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak alam ko lalaking-lalaki si Aljur kaya niya ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ,” ani Tita Cristy.

Kung totoo ngang buntis si AJ, malaking problema ito. Kasi nga, kasal pa siya kay Kylie Padila.