May 14, 2024

INASEMBOL NA 2 NAT’L WOMENS TEAM NA PAPALO SA AVC, IPINAKILALA

Sa wakas, ipinakilala na ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang kabilang sa inasembol na national teams. Na ikung saan ay sasbaak sa Asian Women’s Volleyball Championship (AVC)  sa Nakhon Ratchisima, Thailand. Ang torneo ay idaraos sa October 1 hanggang 7.

Dalawang women’s team ang binuo. Una ang Team Rebisco na titimunan ni consultant-coach Jorge Edson Souza de Brito. Si Odjie Mamon naman ang magiging mentor ng Choco Mucho.

Kabilang sa Team Rebisco sina Eya Laure, Faith Nisperos, Mhicaela Belen, Jema Galanza, Dindin Santiago Manabat, Rhea Dimaculangan, Bernadette Pepito, Kamille Cal, Jennifer Nierva , Imee Hernandez, Ivy Lacsina at Aby Maraño bilang team captain.

Babandera naman sa Team Choco Mucho sina Tin Tiamzon, Mylene Paat, Ria Meneses, Dell Palomata, Deanna Wong, Major Baron, Dawn Macandili, MJ Philips, Kalei Mau, Kat Tolentino at Iris Tolenada bilang team captain.