
Nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Imee Marcos kay Senate President Chiz Escudero patungkol ng paratang niya sa senadora na huwag gamitin ang Senado para sa kanyang sariling political agenda.
Naungkat ito nang ipag-utos ni Senator Escudero na palayain si Special Envoy on Transnational Crime Markus Lacanilao, kahit pa ipina-contempt ito ng komite ni Senator Marcos.
Itoy sinundan naman nang naglabas si Senate President Escudero ng show cause order upang pagpaliwanagin si Lacanilao kung bakit hindi siya dapat ma-contempt.
“Nakakatuwa naman talaga ‘yung mga pinagsasabi. Ang akin na lamang, balikan natin ang tunay na rules ng Senado…” saad ng senadora. (BG)
More Stories
3 SUSPEK SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA CHINESE BUSINESSMAN, ARESTADO NA
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’