Tapos na ang NBA finals. Champion na ang Los Angeles Lakers. Nasungkit ng team ang ika-17 championship sa kanilang franchise history.
Malaki ang naging papel ng NBA sa buhay ng Pilipino. Lalo na sa COVID-19 pandemic. Natuwa at inabangan ang bawat laro sa NBA bubble.
Nagpatuloy ito hanggang playoffs at NBA finals.
Marami ang pinabilib ng Miami Heat dahil sa kanilang fighting spirit laban sa Lakers. Aminin man natin o hindi, lamang ang Lakers sa serye.
Gayunman, nagsikap ang Miami sa gabay ni Fil-Am coach Erik Spoelstra. Bagama’t natalo, walang dapat ikahiya.
Ang mahalaga, nagbigay ang Heat ng magandang laban sa Lakers. Gayunman, sadyang may nananalo at may natatalo.
Masaya ang Lakers nation dahil muling nagchampion ang team. Magandang handog sa iniwang alaala ni Kobe Bryant.
Ang masasabi natin, itong 2020 NBA finals ay makasaysayan. Dahil ito ang pinakamahabang season dahil sa pandemya.Historic din ang pagka-champion ng Lakers. Dahil sila ang masasabing pandemic NBA champions.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!