May 15, 2024

IBINEBENTANG MANSION NI SEN PACQUIAO SA FORBES PARK, UMABOT NA SA P2.3 BILYON ANG PRESYO

Umabot sa halagang P2.3 bilyon ang for sale na Forbes Park mansion ni Sen. Manny Pacquiao sa Makati. Nasa list ito ng propyedad na ipinagbibili sa Presello.com. Pero, wala pang gusting bumili dahil super nakakalula ang presyo.

Ang nasabing mansion ay Zen-inspired luxury mansion na may lawak na 2,000 square meters. Mayroon itong 5 bedrooms, 7 bathrooms, garden at pool area. Ayon sa ulat, nabili ng mag-asawang Manny at Jinkee ang property sa halagang P388-million. Marahil, dahil sa ipina-renovate nila ito kaya mahal na nilang ibinebenta.

Ayon nga sa mga Marites at mga nananaliksik, dati itong ibinebenta sa halagang P708-million noong 2014. Ang dahilan kung bakit ito ipinagbibili ay dahil sa reklamo ng mga taga-roon. Kasi, di nila tanggap na may kasama silang dating dukha.