January 27, 2025

IATF-Batangas, LTFRB 4A, at Batangas PDOHO kulang sa pagpapatupad ng COVID-19 guidelines at enforcement

Takot at pagtataka ang ating nadarama sa tuwing bumibiyahe patungo ng Metro Manila at kapag sumasakay ng mga pampublikong bus sa Grand Terminal sa Batangas City at sa Terminal sa Buendia Avenue sa Pasay City, dahil hindi lang sa napakatagal ng mga bus na bumababad para magsakay at magpuno ng pasahero delikado rin dahil hindi nasusunod ang social distancing.

Nagtataka lamang tayo tila ba “exempted” na ang mga bus na bumibiyahe sa Batangas at Metro Manila vice versa sa DOTR guidelines at wala na silang pakialam sa mga ipinapatupad ng health protocol system na pinaiiral laban sa pandemya ng Covid-19?

Sa pinakahuling talaan ay narito ang datos ng mga aktibong kaso ng mga tinamaan at binawian ng buhay laban sa nakamamatay na virus.

OFFICIAL DOH COVID-19 REPORT for BATANGAS PROVINCE

As of September 15, 2021 | 3 PM.

TOTAL CONFIRMED CASES: 53,183

2021 CONFIRMED: 41,437

2021 ACTIVE CASES: 8019

2021 RECOVERIES: 31,958

2021 DEATHS: 1460

•New Positive Cases: Batangas City – 201, Lipa City – 355, Sto. Tomas City – 10,Tanauan City – 18,Agoncillo – 3, Alitagtag – 9,Bauan – 25,Calaca – 18,Calatagan – 10,Cuenca – 3,Laurel – 1,Lemery – 6,Lian – 1,Lobo – 4, Malvar – 16, Mataas na Kahoy – 19,Nasugbu – 25, PadreGarcia – 19,Rosario – 50, San Jose – 4,San Juan – 37,San Luis – 2, San Nicolas – 3, San Pascual – 23,Sta. Teresita – 6,Taal – 6,Talisay  4,Taysan – 6, Tuy – 13;  Source of Data: Batangas PDOHO, Reported By: PESU Batangas.

Kaya’t tama lamang na punahin natin ang mga ahensya ng gobyerno dito sa Calabarzon at Batangas na meron kinalaman sa pagpigil at paglaban sa nakamamatay na virus dahil tila hanggang monitor na lamang sila at natutulog sa pansitan dahil hindi nila nakikita ang problema o butas pagdating sa sektor ng pampublikong transportasyon lalo na pagdating sa mga bumibiyaheng mga bus patungo ng Metro Manila.

Tila wala na silang monitoring at enforcement dahil walang pakialam ang mga driver at kundoktor ng mga bus dito kung may sakay silang pasaherong mga posibleng carrier ng COVID virus dahil nang ating tanungin ang isang driver ng DLTB Bus Company tungkol sa pagsuway nila sa IATF at DOTR guidelines ay sinabi nitong utos daw ito sa kanila ng management na magpuno ng pasahero at bahala ‘di umano ang mga ito na sumagot at kung sila naman ay susuway ay hindi na sila bibigyan ng biyahe?

Tila pera-pera na nga ba ang pinaiiral ng mga kumpanya ng bus dito sa Batangas at wala na rin silang pakialam “quese joda” na dumami ang magkasakit at magkandamatay dito kumita lamang sila ng salapi?

Kaya’t tinatawagan natin ng pansin ang IATF-Batangas, LTFRB Region 4A at Batangas Provincial Department of Health Office at mga ahensyang may kinalaman sa pagpigil ng pandemya na umaksyon sa ating puna at nakikita.

Hanggang sa muli marami pang kasunod. Suhestiyon, reaksyon at sumbong tumawag lamang sa numerong 0939-479-42-20 smart o mag email sa [email protected]