May 15, 2024

Hustisya sa pagkamatay ng OFW sa Kuwait hiniling ng pamilya

HUSTISYA! Ito ang apela ng pamilya ni OFW Jullebee Ranara nang nakausap at nakiramay si Senadora Imee R. Marcos  nitong Miyerkoles, Jan.25. Si Jullebee ay brutal na pinaslang ng anak ng kanyang amonsa Kuwait kamakailan.

EMOSYONAL na nakiramay nitong Miyerkoles si Senadora Imee Romualdez Marcos sa pamilya ng OFW na si Jullebee Ranara na brutal at walang awang pinaslang ng 17-anyos na anak ng kanyang amo sa bansang Kuwait.

Nag-abot si Marcos ng tulong pinansyal at grocery items kaakibat ng pangako na bibigyan ng trabaho o kabuhayan ang mister at mga kapatid ng OFW.

Hinihiling ni Marcos, pinuno ng Senate Committee on Foreign Relations sa OWWA, DMW at DFA na gawin ang lahat ng paraan upang makamit ng biktima ang hustisya sa lalong madaling panahon.

“Binisita ko ng tahimik at taus-puso akong nakiramay sa pamilya ng kawawang OFW na si Julleebee na pinatay sa Kuwait. Kasama ko sina DMW Usec. Hans Cacdac at OWWA Administrator Arnel Ignacio para tutukan at pagtulungan ang problema natin,” ayon kay Marcos.

Umaapela si Marcos sa mga Pinoy na nag-aapply sa abroad na mag-ingat at hwag magpaloko sa mga illegal recruiter at scammers.