May 19, 2024

Navotas nasungkit ang Hall of Famer sa Local Revenue Generation

MALUGOD na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang award matapos masungkit ng Lungsod ng Navotas ang pinakamataas na pagkilala at makamtan ang Hall of Famer sa Local Revenue Generation. Aniya, ang Navotas ang kauna-unahang nabigyan ng ganitong pagkilala ng Bureau of Local Government Finance dahil sa suporta at maaga o on time na pagbabayad ng mga mamamayan ng buwis. Ang pondo namang nakalap ang ginagamit para sa mga serbisyo at programang inihahandog ng lungsod sa mga Navoteño. (JUVY LUCERO)